Pagsasagawa ng kilos-protesta, dapat pa rin iwasan ayon sa PNP

Hinihikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na huwag lumahok sa anumang kilos-protesta ngayong nasa public health emergency pa rin ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ginawa ng Philippine National Police (PNP) ang paghikayat matapos na mabahala sa ginawang mass protest ng University of the Philippines Diliman Campus kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, bilang isang responsableng mamamayan kailangang iwasan ang mga aktibidad na maaaring magresulta sa pagkalat ng COVID-19.


Giit ni Banac, nag-aalala lamang ang PNP sa kalusugan ng publiko partikular sa kalusugan ng mga raliyista kaya hinikayat na huwag na muna gumawa ng mass protest ngayong panahon.

Paliwanag pa ni Banac, nananatili ang suporta nila sa freedom of expression pero ngayong panahon nasa krisis ang bansa ay mahalaga ang buhay ng bawat isa laban sa COVID-19.

Facebook Comments