PAGSASAGAWA NG LET 2024 SA LUNGSOD NG CAUAYAN, NAGING PAYAPA

Cauayan City – Naging maayos at mapayapa ang pagsasagawa ng Licensure Examination for Teachers September 2024 sa lungsod ng Cauayan kahapon, ika-29 ng Setyembre.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Malillin, wala silang naitalang aberya sa mga testing centers ganundin sa daloy ng trapiko kung saan matatagpuan ang mga testing centers.

Aniya, naganap ang pagsusulit sa tatlong testing centers sa lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng Cauayan City National Highschool, Cauayan North Central School, at Cauayan South Central School, kung saan umabot sa 1,934 ang naitalang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit para sa nabanggit na professional examination.


Sinabi ni Chief Malillin na dahil sa dami ng bilang ng mga examinees ay full force ang naging deployment ng kanilang mga tauhan, at katuwang rin nila sa pagbabantay ang iba pang ahensya sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments