Pagsasagawa ng limited face-to-face classes, hindi para sa lahat – DepEd

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa nakatakdang pilot run nito sa Enero ay hindi para sa lahat at gagawin lamang sa mga piling lugar.

Ayon kay Briones, ang face-to-face classes ay bahagi lamang ng hakbang ng ahensya para sa muling pagbabalik ng physical classes kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.

Mayroong 1,114 na eskwelahan ang napili para sa pagsasagawa ng dry-run ng face-to-face classes.


Ang pinal o aktwal na bilang ng mga eskwelahang lalahok sa face-to-face classes ay maliit lamang.

Hindi sakop ng dry-run ang “high risk” areas kung saan ang National Capital Region at Surigao ay nakiusap na huwag silang isama.

May ilang lugar sa CALABARZON at Eastern Visayas na ang maaaring magbalik sa face-to-face classes.

Kaugnay nito, sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na walang “full classes” na gagawin sa dry-run.

Mula sa regular na 30 hanggang 40 estudyante kada classroom ay limitado pa rin ito sa 15 hanggang 20 estudyante kada session para mapanatili ang social distancing.

Hindi na rin kailangan para sa mga guro ang rapid testing pero magkakaroon pa rin ng symptom-based screening tulad sa mga estudyante.

Facebook Comments