Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ang pagsasagawa ng mall-wide sale.
Ito ay matapos i-anunsyong pinapayagan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng malawakang sale.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa 95% ng mga sektor ang pinapayagan nang buksan ang kanilang negosyo.
Napansin nila na kakaunting bilang ng mga customers na nagpupunta sa mga mall mula noong re-opening.
“Isang panghikayat ulit para sumigla ang ekonomiya ay payagan natin itong paggawa ng mga mall-wide sale o whether sa isang tindahan,’ sabi ni Lopez.
Sa kabila ng pagbubukas ng mga negosyo, importante pa ring masunod ang health protocols sa bawat commercial establishments sa harap ng banta ng COVID-19.
Facebook Comments