Pagsasagawa ng mass testing, ipinayo ng mga eksperto bago alisin ang ECQ

Pinayuhan ng ilang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang pamahalaan na magsagawa muna ng mass testing bago alisin sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay UP Political Science Assistant Professor Ranjit Rye, maaaring maging mapanganib ang pagsasagawa ng desisyon lalo’t patuloy pa rin tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Rye, nakapagsuri ang ilang bansa ng 30 hanggang 50 porsyento ng kanilang populasyon nang magsagawa ito ng mass testing.


Sinabi naman ni UP Institute of Mathematics Professor Guido David, ang kabuuang resulta sa COVID-19 testing ay mayroong 38 porsyentong delay kaya delikado pa ang ganitong desisyon kung ibabase sa real time.

Nilinaw rin ng mga ito na ang “Flattened Curve” ay nagpapakita lamang ng pagbagal ng virus transmission.

Pero, hindi ito nangangahulugang naabot na ang bilang ng mga kaso sa peak nito.

Ang pinakamagandang paraan pa din para mapaikli ang ECQ ay ang pagbibigay ng mass testing at makinig sa Epidemiologists.

Facebook Comments