Inihayag ng pamunuan ng Marikina City Government na aaraw-arawin na nila ang pagsasagawa ng mass testing sa mga tricycle driver na magbabalik na sa pamamasada.
Gagawin ng Local Government Unit (LGU) ng Marikina upang matiyak na ligtas sa COVID-19 mga driver na magbabalik-trabaho gayundin ang mga terminal ng tricycle para hindi makahawa ng mga pasahero.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, mula Lunes hanggang Biyernes ang mass testing para sa mga tricycle driver na gagawin sa covered court ng mga barangay.
Para naman sa kaligtasan ng mga pasahero at tsuper ay nakasuot ang mga ito facemask at may nakalagay na barrier sa kanilang mga tricycle.
Nakasuot naman ng facemask ang mga tricycle driver at naglagay na ng barrier sa kanilang mga tricycle kung saan ay ₱20 ang singil sa special trip.