Pagsasagawa ng mass weddings, dapat naaayon sa health at safety protocols – DILG

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinapayagan ang pagsasagawa ng mass weddings pero dapat alinsunod pa rin ito sa health at safety protocols.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, maaaring isagawa ang mass weddings sa ilalim ng 30% venue capacity para matiyak na mayroong social distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Malaya, ang groom at bride ay kailangang may suot na face masks at face shields sa seremonya.


Matatandaang nitong December 15, pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang wedding ceremony na pinamagatang “mask wedding.”

Facebook Comments