Pagsasagawa Ng Miss Universe Sa Bansa – Inalmahan Ng Ilang Grupo

4

MANILA – Inalmahan ng Gabriela Partylist sa kamara ang pagsasagawa ng Miss Universe pageant dito sa bansa.Giit ni Gabriela Representative Arlene Brosas – mapanlinlang sa tunay na kalagayan ng bansa at sa mga kababaihan ang pagsasagawa ng beauty pageant sa Pilipinas.Pinagtatakpan lamang aniya ng isasagawang Miss Universe na mapayapa at maayos ang bansa gayong sa likod nito ay maraming kababaihan ang naghihirap at nahaharap ang bansa sa kaliwa’t kanang mga kaso ng Extra Judicial Killings.Kinalampag pa ng Gabriela na mag-focus ang gobyerno sa problema sa kakulangan sa trabaho, pagtaas ng singil sa langis, kuryente at mga kaso ng summary killings.

Facebook Comments