Pagsasagawa ng NSPC at NFOT, tuloy ayon sa DEpEd

Inihayag ng pamunuan ng Department as Education o DepEd na itutuloy pa rin ang pagsagawa ng National Festival of Talent o NFOT at National School Press Conference o NSPC sa kabila ng pagkaroon ng local transmission ng Corona Virus Disease 2019 o COVID 19 sa bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi na nila maikakansela pa ang nasabing dalawang national competition dahil ang ibang kalahok ay dumating sa venue at ang iba naman ay nagbibiyahe na.

Aniya, ang tanging magagawa lang nila ay paigtingin ang ipinatutupad na precautionary measure na galing mismo sa panuntunan ng Department of Health o DOH.


Sa ngayon, aniya, ay hinhintay nalang nila ang panibagong abiso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na ilalabas ng DOH bukas, March 9, 2020.

Ang NSPC at NFOT ay parehong gaganapin ngayong Linggo na gaganapin sa Tuguegarao City, Cagayan at Ilagan City, Isabela.

Facebook Comments