Pagsasagawa ng NTF-ELCAC ng mga orientation sa mga paaralan, binatikos ng ACT Teachers Party-list

Nababahala si Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro sa pagsasagawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng orientations sa mga paaralan.

Sabi ni Castro, nakita na nila ang ganitong mga seminar sa iba’t ibang mga pagkakataon at kung papaano ito kino-conduct.

Diin ni Castro, yaon ay red-tagging orientation na kanilang kinokondena lalo at sa mga menor de edad na grade 11 at 12 ito ginagawa.


Ikinatwiran ni Castro na sa panahon na matindi pa rin ang education crisis sa bansa at maraming kailangang ayusin at habulin sa curriculum ng ating mga kabataan ay hindi dapat sinisingit pa ang ganitong mga orientation.

Tahasang sinabi ni Castro, tanging layunin ng hakbang ng NTF-ELCAC na magturo kung paano mam-bully ng kapwa Pilipino, paano mandahas at paano ituring na kalaban ang mga mamamayang ginagamit lamang kanilang mga karapatang pantao.

Facebook Comments