Iminungkahi ng Task Force El Niño sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa na lamang ng online classes sa kanilang mga nasasakupan kung makaranas ng matinding init ng panahon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCO Asec. Joey Villarama, may kapangyarihan ang mga LGU kung magdideklara ng suspensyon ng klase sa mga ganitong uri ng sitwasyon.
Kung sa tingin aniya ng mga local official ay hindi na convenient para sa mga maga-aral at guro na pumasok pa sa mga paraaralan dahil sa matinding init, maaari namang ikonsidera ang pagsasagawa ng online classes.
Halimbawa na lamang dito ang sitwasyon sa Western Visayas, kung saan ang mga LGU na nag-deklara ng suspensyon ng pasok dahil sa matinding init.
Dagdag pa ni Villarama, na may kautusan ding inilabas ng Derpartment of Education (DepEd) noong 2023, kung saan maaaring magpasya ang mga pampubliko at pribadong paaralan na suspindehin ang klase, depende sa kondisyon sa kanilang lugar.