Pagsasagawa ng online voting sa 2022 elections, malabo ayon sa COMELEC

Nasa 5.5 million na indibidwal ang nadagdag sa mga botanteng Pilipino isang taon bago ang 2022 Presidential Elections.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez sa interview ng RMN Manila kung saan inaasahan ding madaragdagan pa ito kapag nagluwag na ang mga quarantine measures.

Kaugnay nito, malabo naman aniya ang pagsasagawa ng online voting sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 dahil hindi ito aprubado sa kasalukuyang batas.


Samantala, para kay dating COMELEC Commissioner Atty. Gregorio Larrazabal, malaki ang magiging hamon sa susunod na presidente lalo na’t hindi pa naman tapos ang COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Larrazabal, hindi lamang dapat sa social media ituon ng mga kandidato ang kanilang pagsasagawa ng kampanya.

Facebook Comments