Pagsasagawa ng out of town trainings, tuloy sa kabila ng aksidente sa Bataan – DepEd

Hindi babaguhin ng Department of Education (DepEd) ang polisiya nito kaugnay pagsasagawa ng out of town trainings.

Ito’y sa kabila ng pagkasawi ng isang guro at mahigit 40 sugatan na pasahero nang mahulog sa bangin ang isang school bus sa Orani, Bataan.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, alinsunod sa Department Order 32 series of 2011 ang pagsasagawa ng out of town trainings.


Giit ni Poa, sa ngayon wala pang natatanggap na kautusan ang DepEd kaugnay sa pag-amyenda sa patakaran sa mga seminar.

Samantala, tiniyak ni DepEd National Capital Region (NCR) Regional Director Wilfredo Cabral na makatatanggap ng tulong pinansyal ang gurong nasawi at mga nasugatan sa aksidente.

Nakauwi na rin umano sa kanilang mga tahanan ang ibang nasaktan at bumubuti na ang kalagayan.

Nakauwi na rin ang driver ng school bus dahil hindi pa ito sinasampahan ng kaso ng mga kaanak ng biktima.

Facebook Comments