Pabor ang OCTA Research Team na payagan na ang pagsasagawa ng pagtitipon sa mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kabilang dito ang mga Christmas Party na ginagawa tuwing araw ng Disyembre o tuwing nalalapit na ang kapaskuhan.
Pero gayunman, sinabi ni Department of Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ring sumunod sa ilang patakaran, katulad ng pag-iwas sa mga closed-spaces o kulob na lugar, crowded places o matataong lugar, at closed contact o malapitang pakikisalamuha, kahit pababa na ang mga kaso.
Kung tatanungin naman ang Private-Hospital Association of the Philippines Inc. ay sinabi nito na mas mabuting iwasan na muna ang mga pagtitipon-tipon.
Facebook Comments