PAGSASAGAWA NG PISTA SA ILALIM NG ALERT LEVEL 1, HINILING NG ILANG LGUS SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

LINGAYEN, PANGASINAN – Aminado ang pamunuan ng Pangasinan Provincial Inter Agency Task Force na may ilang lokal na pamahalaan sa lalawigan ang nakipag ugnayan at sumulat sa Pamahalaang Panlalawigan upang humingi ng permiso sa pagdaraos ng kani-kanilang kapistahan.

Sinabi ni Provincial Legal Officer at IATF member Atty. Geraldine Baniqued, may mga bayan at siyudad na ang humihingi ng pahintulot at paggabay sa pagsasagawa ng ilang programa ngunit giit niya na sa ganitong sitwasyon ay pinag aaralang mabuti ng Pamahalaang Panlalawigan ang hiling at nais ng lokal na pamahalaan na bagamat nasa ilalim na ng Alert level 1 ay kinakailangan parin ang ibayong pag iingat upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 virus sa ganitong pagkakataon.

Nagbibigay naman umano ng pahintulot ang Provincial IATF basta ay matitiyak na nakasunod sa umiiral na health protocols sa lugar na pagdarausan ng pagtitipon. Kahit lumuwag na ang ilang quarantine restrictions ay patuloy na umiiral sa lalawigan na curfew hours.
Pinatitiyak din nito na kung maaari na ang lahat ng dadalo sa gagawing aktibidad ay fully vaccinated at pinayuhan din nito na kung maaari ay iwasan ang pagdadala ng bata sa lugar para sa kaligtasan ng lahat. | ifmnews

Facebook Comments