
Pansamantalang itinigil ng DPWH North Manila District Engineering Office ang pagsasagawa ng mga proyektong imprastraktura sa lungsod ng Maynila.
Alinsunod na rin ito sa patakaran ng lokal na pamahalaan ng Maynila upang magkaroon ng mas maayos na koordinasyon bago ang pagpapatupad ng mga proyekto.
Sa abiso ng DPWH North Manila District Engineering Office, layon ng suspensyon na makumpleto ang lahat ng permit at iba pang requirement.
Paraan din ito para masiguro ang maayos at mabilis na paghahatid ng mga proyekto sa lungsod.
Tiniyak naman ng DPWH North Manila na magpapatuloy ang pagsasagawa ng mga proyekto kapag nailabas na ng lokal na gobyerno ang kaukulang permiso.
Una nang umalma ang ilang lokal na pamahalaan kasama ang Maynila sa kawalan umano ng koordinasyon at permiso ng DPWH sa mga LGU bago sinimulan ang pagpapatupad ng mga proyekto.









