Matatandaang naganap ang tinatawag na mga satellite registrations na inihatid ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga eskwelahan at mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa pinakahuling ulat ng Commission on Elections (COMELEC) Provincial Office, lampas sa target na 70, 000 na mga indibidwal na mithiing maiparehistro dahil nasa kabuuang bilang na 79,432 ang naitalang mga bagong botante sa Pangasinan sa katatapos lamang na voters’ registration na sinimulan noong December 12, 2022 hanggang January 31, 2023.
Pinakamataas na may tala ng bilang ng mga bagong botante ay ang Dagupan City na may nasa 8,008 na mga indibidwal na naiparehistro, at sa marami ring bagong botanteng naitala sa mga lungsod ng San Carlos, Alaminos, sa mga bayan sa Sta. Barbara, Malasiqui, Bolinao, Umingan, Mangatarem at Bayambang.
Higit namang nakatulong ang satellite voter’s registration dahil sa pamamagitan nito ay nailapit na sa mga interesadong magparehistro sa COMELEC ang ang registration process sa mga residente lalo na sa mga kabataan.
Samantala, 42,063 na mga indibidwal ang naitala bilang regular voter at 37, 268 na kabataan edad 15-17 ang nagparehistro para sa Sangguniang Kabataan.

Facebook Comments