Dinepensahan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagsasagawa ng sesyon ng mga kongresista sa labas ng Batasan Complex.
Sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City nagsagawa ng sesyon ang mga kongresista para ihalal ang bagong Speaker ng Kamara.
Paliwanag ni Rodriguez, hindi labag sa Saligang Batas o rules ng Kamara ang pagdaraos nila ng sesyon sa labas ng Batasang Pambansa dahil ginawa na rin nila ito sa Batangas.
Salig na rin sa Section 13 ng House rules ay maaaring kumilos ang mayorya ng mga mambabatas na palitan ang isang posisyon kung nasawi, nagkaroon ng kapansanan o gustong ipadeklarang bakante ang isang pwesto.
Bukod dito ay wala rin nakasaad sa Konstitusyon o sa Saligang Batas na iligal ang pagsasagawa ng sesyon kung wala ang “mace” na simbolo ng authority sa Kamara.
Dahil mayorya ang kumilos ay constitutional, valid at tama ang kanilang isinagawang sesyon.
Samantala, naunang iginigiit ni Deputy Speaker LRay Villafuerte na dahil wala ang “official mace” ng Kamara ay iligal ang sesyon ng mga kongresista sa labas ng Batasan.