Pagsasagawa ng siphoning test sa lumubog na MV Terranova, mas pinabilis pa

Mas bumilis pa ang siphoning test na ginagawa nang kinontratang salvor para sa lumubog na MT Terranova sa Bataan.

Sa impormasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), tinatayang 47,000 litro ng langis ang nakolekta na hanggang kagabi.

Bumilis rin ang pagkolekta sa langis na karga ng naturang motor tanker na umaabot na ngayon sa 9,000 litro bawat oras.


Samantala, ginamitan ng PCG ng water cannon at dispersant ang oil sheen o bakas ng langis sa pinaglubugan ng Terranova upang mapanatiling malinis ang karagatan at hindi na ito kumalat pa.

Una nang nilinaw ng PCG na oil sheen ang nakita kahapon at hindi ang una nilang naiulat na makapal na langis mula sa lubog na tanker.

Facebook Comments