Nagpulong ang mga Rural Health Physicians ng Lungsod ng Las Piñas upang gawin ang medical measures para mapigilan ang paglaganap ng Coronaviris Disease o COVID-19.
Plano ng City Health Office ng Las Piñas na paigtingin ang testing, contact tracing at screening sa mga pasyente at mga nalantad sa COVID-19.
Bilang hakbang din para masigurong hindi na kakalat ang virus sa buong Lungsod ng Las Piñas, palalakasin o palalawakin pa ng City Health office ang rapid testing upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Sinabi naman ni Dr. Juliana Gonzalez, Deputy incident Commander ng Las Piñas City Health Office, na manatili na lamang ang mga residente sa kanilang mga tahanan bilang tulong sa paglaban ng lokal na pamahalaan sa COVID-19.
Sakali naman may katanungan o paglilinaw hinggil sa usapin ng COVID-19, maaaring tumawag sa numerong 8994-5782 o mag-text sa 0977-672-6211 at 0949-6246824.