Inihayag ng Department of Health (DOH) na mas pinagting pa ang testing, tracing, at isolation measures sa lokal na pamahalaan ng Pasay simula ngayong linggo.
Kasunod ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Ayon kay DOH-NCR Director Corazon Flores, napag-usapan ng ahensiya ang pagtutulungan upang mabantayan ang mga active case sa pamamagitan ng aggressive contact tracing.
Habang itinaas na rin ang capacity ng testing sa lungsod kung saan mayroon nang nakahandang swabbing area para sa mga na-contact na kailangang i-swab.
May isolation facilities setup na rin aniyang nakahanda na pwedeng dalhin sa Oplan Kalinga.
Sa ngayon, sinabi ng DOH na mangongolekta pa sila ng mas maraming samples para sa genome sequencing sa Pasay.
Facebook Comments