Pagsasagawa ng vulnerability check ng lahat ng police station, ipinag-utos ni PNP Chief

Manila, Philippines – Ipinag-utos in PNP chief PDG Ronald Dela Rosa sa lahat ng himpilan ng PNP na magsagawa ng vulnerability check.

Ayon Kay PNP spokesman chief Supt. Dionardo Carlos, ito ay sa harap na rin ng mga sunod-sunod na enkwentro ng tropa ng pamahalaan sa NPA nitong mga nakalipas na araw.

Ang kautusan ay para masiguro ang kahandaan ng mga pulis na pigilan ang anumang possibleng pag-atake ng mga terroristang NPA.


Noong isang linggo lang ay nagkaroon ng enkwentro sa pagitan ng mga pwersa ng pamahalaan sa NPA sa Caranglan, Nueva Ecija, at nitong weekend lang sa Mt. Banoy sa Batangas City.

Aniya, partikular na ipinag-utos ni Dela Rosa ang pinaigting na information-gathering ng mga operatiba ng station intelligence sa lahat ng himpilan ng pulisya upang hindi ma-surprise attack ng NPA.

Ayon pa kay Carlos, nakatakdang isagawa sa susunod na linggo ang isang national high-level meeting sa pagitan ng lahat ng sangay ng pamahalaan na involved sa seguridad.

Facebook Comments