Wala pa ring kasiguraduhan kung kailan maaaring magsagawa ng written career service examinations.
Nabatid na kanselado ang Civil Service Examinations (CSE) dahil sa mga hamong dala ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC) Publications and Media Relations Division, mahirap pa rin sa panahong ito na gawin ang examinations lalo na at ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings.
“We regret that the COVID-19 pandemic continues to make it difficult for the CSC to implement the conduct of examinations especially since public health measures to contain the spread of COVID-19, such as the prohibition of mass gatherings, are as necessary now as they were first imposed in March 2020,” nakasaad sa statement ng CSC.
Gayumpaman, patuloy na pinag-aaralan ng CSC ang lahat ng posibilidad na gawin ang examinations ngayong taon habang ikinokonsidera ang kalusugan ng publiko.
Paglilinaw ng CSC na mayroong alternatibong paraan para makuha ang civil service eligibility sa pamamagitan ng special laws at kaukulang CSC issuances.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa special eligibilities, bisitahin ang website ng CSC: www.csc.gov.ph o maaaring mag-email sa email@contactcenterngbayan.gov.ph