Maituturing na “costly risk” o malaking peligro ang panukalang pagsasailalim ng buong Pilipinas sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research team, kailangan pa ring gawing “gradually” o unti-unti ang pagpapaluwag ng mga restriksyon sa pagbubukas ng maraming negosyo dahil nandyan pa rin ang panganib ng COVID-19.
Aniya, oras na tumaas ang kaso ng COVID, hindi malayong bumalik tayo sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Giit pa ni David, kahit naman naka-GCQ ang bansa noon ay marami nang mga negosyo ang binuksan.
Maaari rin namang dagdagan ang public transportation sa halip na itaas ang seating capacity ng mga ito.
Dahil dito, inirekomenda ng grupo na panatilihin ang GCQ sa Metro Manila para magkaroon pa rin ng control sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.