Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Regional Tourism Assembly and Press Conference ng DOT Region 2 sa Santiago City ngayong araw, Marso 18, 2022 sa pangunguna ni Regional Director Fanibeth Domingo.
Batay sa datos ng naturang ahensya, aabot sa 1,008 ang kabuuang bilang ng nasa primary at secondary tourism enterprises sa rehiyon dos na kung saan ay nasa 525 pa lamang ang accredited ng DOT habang may 483 pa ang kailangang sumailalim sa accreditation.
Kaugnay nito, ibinahagi ni DOT Regional Director Fanibeth Domingo sa mga dumalong tourism stakeholders ang kahalagahan ng pagiging DOT accredited at kung ano ang mga benepisyong makukuha rito.
Importante aniya na lahat ng mga nasa tourism business sectors sa rehiyon ay accredited ng DOT para matiyak na sila ay sumusunod sa mga rules and regulations na ibinaba ng naturang ahensya at ng matiyak na maganda pa rin ang mga serbisyong ibinibigay sa mga tao.
Maipagmamalaki din aniya ito sa mga turista kung accredited ng DOT ang isang tourism business. Hinimok naman ni Isabela Provincial Tourism Officer Troy Miano ang mga tourism stakeholders na kusa nang lumapit sa tourism office para matulungan at ng makakuha ng accreditation.
Una nang inihayag ni RD Domingo na hindi mabibigyan ng Mayor’s permit o renewal ang mga tourism stakeholder’s kung hindi pa accredited ng DOT.
Samantala, nananawagan din ang DOT sa mga LGUs na tignan at imonitor din ang mga nasa tourism industry na hindi pa accredited ng DOT nang sa ganon ay matulungan din sila ng naturang ahensya.