Inihayag ng One Hospital Commance Center na dapat pag-aralang mabuti ang planong pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila pagdating ng Disyembre.
Ayon kay OHCC Medical Officer III Dr. Marylaine Padlan, ang paluluwag sa restriksyon ay hindi lamang nakabase sa healthcare utilization rate ng mga ospital sa bansa.
Aniya, dapat ding ikonsidera ang bilis ng pagtaas sa naitatalang mga kaso gayundin ang variants of concerns.
Samantala, sa ngayon ay hindi pa masabi ni Padlan ang epekto sa OHCC ng pagsasailalim sa Alert Level 3 ng Metro Manila.
Paliwanag nito, hindi lamang kasi mula National Capital Region ang kanilang mga natatanggap na tawag kundi mula rin sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
Facebook Comments