Pagsasailalim sa buong bansa sa Alert Level 1, hindi pa napapanahon ayon sa DOH

Hindi pa napapanahon para ibaba sa Alert Level 1 ang buong bansa.

Ito ang tugon ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim na sa “new normal” ang buong bansa at buksan ang mga paaralan para sa face-to-face classes nang sa ganon ay mapataas ang ating ekonomiya.

Sabi ng kalihim, hindi dapat sayangin ang mga napagtagumpayan ng bansa sa paglaban sa pandemya.


Aniya, layunin pa rin naman natin na maisailalim ang bansa sa Alert Level 1 pero kailangan munang maabot ng lahat ng lugar ang mga parameters para mailagay ito sa pinakamababang alert level kabilang ang mga sumusunod:

 dapat ay low hanggang minimal na lamang ang risk case classififaction
 dapat na mas mababa sa 50% ang total bed utilization rate
 70% na dapat ng target population ng isang lugar ang fully vaccinated at;
 fully vaccinated na dapat ang 80% ng mga senior citizens

Samantala, ayon kay Duque, sa Huwebes ay pagpupulungan ng Inter-Agency Task Force ang posibleng pagpapanatili o pag-aalis ng Alert Level 1 sa NCR at iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments