Ayon kay Lt. Col. Exra Balaytey, nais lang tiyakin ng Comelec ang seguridad sa Mindanao para makamit ang isang tahimik at matiwasay na halalan sa Mayo.
Nauna nang sinabi ng Armed Forces Of The Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magpapatupad sila ng security adjustment bilang paghahanda sa eleksyon.
Hinihintay na lang nila ang ‘go signal’ ng Comelec para rito.
Matatandaang isinailalim sa election hotspot ng Comelec ang buong Mindanao dahil sa mga naitalang election-related incident sa nakalipas na dalawang halalan kasabay ng seryosong banta mula sa mga teroristang grupo.
Facebook Comments