Hindi pa nakikita ng national government ang posibleng paglalagay muli sa Alert Level 2 sa ilang lugar sa bansa sa harap ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kinakailangang ikonsidera muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga metrics na itinakda nito para masabing dapat itaas ang alert level status sa isang lugar.
Kabilang dito ang bilang ng kaso at ang hospitalization rate sa bansa.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng ibalik ang Alert Level 2 kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso sa bansa.
Kahapon, nakapagtala ang DOH ng 257 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan para umakyat ang aktibong kaso sa 3,130 mula sa 3,097 noong Lunes.