Pagsasailalim sa Mass Testing ng ilang Barangay sa Bontoc, Aprubado na

Cauayan City, Isabela- Aprubado na ni Bontoc Mayor Franklin Odsey ang pagsasailalim sa mass testing sa mga barangay ng Bontoc Ili, Calittit, Poblacion, Samoki at Tocucan dahil sa dami ng kasong nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay kasunod rin ng pagkakatala sa mga nagpositibo sa UK COVID-19 variant sa naturang bayan.

Sa kanyang liham, una nang hiniling nito kay Presidential Adviser on Peace Process and Chief Implementer of the COVID-19 National Task Force Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ang mga dagdag na kakailanganin sa pagsasagawa ng mass testing.


Ilan sa mga ito ang ‘walk-in testing center na may mga dagdag na tauhan, 5,000 complete sets ng Personal Protective Equipment (PPE); 5,000 RT-PCR test kits; 1,000 boxes of N95 face masks; at 1,000 units Antigen Test Kits.

Humiling din ito ng kaparehong kagamitan na siyang gagamitin ng mga bayan ng Bauko, Tadian, Sabangan, Sagada, Besao, Barlig, Natonin, at Paracelis.

Samantala, humihiling rin ito ng dagdag na pondo mula sa Department of Health (DOH) para sa konstruksyon at dagdag na Temporary Treatment and Monitoring Facility.

Sa kabila ng umiiral na lockdown sa barangay Samoki, Bontoc Ili, Poblacion, at Caluttit ay hiniling ang pondo sa DOLE para sa pagbibigay ng financial assistance para sa mga micro, small, at medium enterprises.

Umaasa naman ang alkalde sa suporta ng national government para sa mga residente ng Bontoc.

Facebook Comments