Pagsasailalim sa NCR sa MECQ simula bukas, malaking hamon sa mga otoridad; pagdami ng mga tao sa labas, asahan!

Aminado ang Philipipine National Police na magiging malaking hamon simula bukas sa Joint Task Force COVID-19 Shield ang pagmamando sa mga checkpoint kasunod ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa ilalim ng MECQ, bagama’t iiral pa rin ang mahigpit na protocols sa paglabas ng mga tahanan ay papayagan na ang ilang mga industriya na magbalik-operasyon na may reduced capacity na 50% o kalahati lamang sa kabuuang bilang ng mga empleyado o manggagawa ang maaaring pumasok para matiyak na sumusunod pa rin sa physical o social distancing.

Ayon kay JTS Commander at Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, asahan na ang pagdami ng mga tao na lalabas sa mga bahay dahil sa mas pinaluwag na restrictions sa ilalim ng MECQ.


Babala ng heneral sa mga motorista na posibleng bumigat ang trapiko dahil magsasagawa sila ng random inspections sa mga authorized person sa mga sasakyan.

Agad namang iisyuhan ng PNP – Highway Patrol Group (HPG) ng ticket ang mga pribadong motorista na malalamang lalabag sa quarantine guidelines.

Maliban dito, magsasagawa rin ng inspeksyon ang PNP sa mg establisyemento na pinapayagan nang magbukas sa mga lugar na isasailalim sa MECQ upang matiyak na tanging mga authorized lamang na mga manggagawa ang lalabas at nasusunod ang quarantine protocols.

Facebook Comments