PAGSASAILALIM SA STATE OF CALAMITY SA LA UNION, INALIS NA NG SANGGUNIAN

Inalis na ng Sangguniang Panlalawigan ng La Union ang pagiging epektibo ng idineklarang State of Calamity dahil sa mga nagdaang bagyong Crising, Dante at Emong.

Sa bisa ng isang resolusyon, lumagda ang lahat ng mambabatas bilang pagsang-ayon na balik normal na ang kalakalan sa mga nasalantang lugar at nakabangon na ang mga apektadong residente dahilan upang hindi na ipatupad ang price control, at iba pang emergency powers sa State of Calamity.

Base sa Post-Disaster Needs Assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakapagsagawa ng 177 clearing operations sa mga pinsala, 251,848 na pamilya ang natulungan at nakapagpamahagi ng higit P188 milyon na tulong pinansyal ang pamahalaan.

Matatandaan na pinadapa ng mga nagdaang malalakas na bagyo ang malaking bahagi ng probinsya na nagdulot ng malawakang power interruption, pagkasira ng mga tahanan at pagkaantala ng mga transaksyon matapos umabot sa Signal No.4 ang pananalasa ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments