Pagsasailalim sa WPP sa pamilya Arnaiz, tiniyak ng DOJ

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na bibigyan nila ng proteksyon ang pamilya ni Carl Angelo Arnaiz matapos itong mapatay ng dalawang pulis ng Caloocan City.

Partikular ang pagsasailalim sa mga ito sa Witness Protection Program ng DOJ.

Ito ay bagamat inamin ng pamilya Arnaiz na wala pa naman silang natatanggap na pagbabanta sa buhay.


Dalawang pulis ng Caloocan ang nasasangkot sa pagpatay kay Carl at ina-alam pa ng Public Attorney’s Office kung may iba pang mga otoridad na sangkot sa pagtorture at pagpatay sa disi nuwebe anyos na dating UP student.

Una na ring ipinag-utos ni Aguirre sa NBI na hanapin ang katorse anyos na binatilyo na si Reynaldo de Guzman na kasama ni Carl na bumili ng pagkain bago ito nawala ng sampung araw at natagpuang patay sa morgue.

Facebook Comments