PAGSASAKATUPARAN NG PROYEKTO LABAN SA PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, TINIYAK

Naniniwala si Mayor Belen Fernandez na masosolusyunan ang matagal nang problemang pagbaha sa lungsod ng Dagupan.

 

Ayon sa alkalde, magpapatuloy ang mga nakalinyang flood mitigation projects sa ilalim ng kanyang termino.

 

Aniya, tututukan ang creek rehabilitation kung saan, mayroong nang inihaing resolusyon sa Sangguniang Panglungsod na hihiling tulong sa nasyonal na gobyerno sa pagsasakatuparan ng proyekto.

 

Magtutuloy tuloy din umano ang pagtatayo ng mga dike, at pagsasaayos ng floodgates at pumping stations.

 

Alinsunod ito adhikaing matugunan ang problemang pagbaha sa lungsod kasunod na rin ng naranasang malawakang pagbaha na nakakaapekto sa mga Dagupeños na idinudulot ng epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat.

Facebook Comments