Pagsasakatuparan sa target na 1-M pabahay kada taon, atrasado na

Atrasado na ang pagkamit sa target na isang milyong pabahay kada taon hanggang 2028 sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program ng administrasyon para matugunan ang 6.5 million na socialized housing backlog.

Lumabas ito sa budget deliberations ng Kamara sa P3.56 billion na panukalang pondo para sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at attached agencies sa susunod na taon.

Ayon kay Navotas Rep. Tobias Renald “Toby” Tiangco, na siyang sponsor ng DHSUD budget, nasa mahigit 3.2 housing units ang inaasahang matatapos hanggang 2028.


Sa ngayon aniya ay nasa 198,000 units ang itinatayo at mahigit 12,000 dito ang garantisong makukumpleto na.

Kaugnay nito ay pinagtibay na sa plenaryo ng kamara ang 2025 proposed budget para sa DHSUD.

Samantala, inaprubahan na rin sa plenaryo ng Kamara ang proposed 2025 budget para sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang P27.4 billion para sa Department of Foreign Affairs gayundin ang P35.19 billion na pondo para sa Commission on Elections, mahigit P157 million na pondo naman para sa Games and Amusement Board at P11.1 billion na pondo para sa Department of Agrarian Reform.

Facebook Comments