Pagsasakripisyo sa flagship project ng administrasyon, posibleng maisakripisyo para maging sapat ang pondong pantugon sa COVID-19 crisis

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat maging handa ang gobyerno na isakripisyo kahit ang mga flagship infrastructure projects nito para makaipon pa ng sapat na pondo na pantugon sa krisis na dulot ng COVID-19.

Ikinatwiran ni Drilon na ang kakulangan sa pondo ang nagiging balakid sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 crisis, kung saan mayroong ilang item sa Bayanihan to Heal as One Act ang hindi pa napopondohan.

Nakakalungkot, ayon kay Drilon, na ang pamahalaan ay unti-unti na ring nasasairan ng pera katulad ng dinaranas ngayon ng karamihan sa mamamayang Pilipino.


Diin ni Drilon, matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic kung saan hindi lang ang mga mahihirap ang apektado.

Paliwanag ni Drilon, pati ang mga nasa middle class at maliliit na negosyante ay nagdurusa na rin.

Facebook Comments