Pagsasala sa mga SM Scholars, Bukas Na

62

Tuguegarao City, Cagayan – Bukas na gaganapin ang pagsasala sa Lungsod ng Tuguegarao para sa mga aplikante para sa College Scholarship Program ng SM Foundation Inc.

Sa impormasyon at imbitasyon na ipinaabot ni Princess Lauigan, ang Public Relations Officer ng SM Tuguegarao Downtown, gaganapin pagsusulit oras ng alas diyes ng umaga, Pebrero 12, 2018 sa SM Tuguegarao Downtown.


Magugunita na pinalawig ang aplikasyon para sa schoarship program na ito para mas marami pa ang makahabol sa programang ito ng naturang establisyemento.

Pagkatapos ng pagsusulit sa umaga ay agad namang isasalang sa panayam ang mga nakapasa bandang hapon.

Ang sinumang papasa sa gagawing pagsasala sa naturang araw ay puwedeng mamili ng mga kurso sa larangan ng accounting, information technology, engineering at education.

Tatanggap ng full tuition, monthly allowance, part-time na trabaho sa panahon ng semestral at Christmas breaks at oportunidad na makatrabaho sa SM Group pagka graduate sa kanilang kukuning kurso ng sinumang sasailalim sa college scholarship na ito.

Facebook Comments