Nagpapatuloy ang adhikain ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa nararapat na pagpaparehistro ng mga itatayo o mga nakatayong fishpens o fish cages sa katubigang sakop ng lungsod.
Matatandaan na mayroon ng mga unang nabigyan ng permit to operate at business plates na mga bangus operators upang tuluyang maging legal kanilang operasyon. Sa pag-arangkada nito, muling nadagdagan ang bilang ng mga fish cage owners/operators na may hawak na ng mga kaukulang papeles.
Layon nitong maiprayoridad ang mga lokal na mangingisda, maging ang pagtataguyod ng bangus industry na siyang pangunahing produkto at pagkakakilanlan ng Dagupan City.
Samantala, matatandaan na hindi pinapayagan ang mga illegal fish pens at nauna nang nagkaroon ng demolition maging ang mga oversized at anumang illegal structures. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments