Pagsasalegal sa medical marijuana, tiwala ang isang kongresista na hindi ito maisasabatas

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni House Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na hindi na maisasabatas ngayong 17th Congress ang panukalang gawing legal ang medical cannabis sa bansa.

Sinabi ni Atienza na tiniyak sa kanya mismo ni Senate President Tito Sotto na patay na sa Mataas na Kapulungan ang panukala kahit pa ito ay umusad at ipasa sa Kamara.

Nangako si Atienza na hindi niya hahayaang maipasa ang panukala sa 3rd and final reading kaya magbabantay siya ng husto sa plenaryo.


Muli ring ipinaliwanag ni Atienza na maaabuso lang ang medical cannabis at hindi malabong magamit sa recreational purposes kapag naging legal sa bansa gaya ng nangyari sa Canada at California sa USA.

Mababatid na pumasa na sa second reading ang Medical Cannabis Act sa Mababang Kapulungan at tinangka itong aprubahan sa huling pagbasa noong nakaraang linggo.

Facebook Comments