Pagsasalin ng kapangyarihan sa DILG, pinaplantsa na

29

Pinaplantsa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.

Nakatakdang magpulong sa Hunyo sina DILG Sec. Eduardo Año at incoming Sec. Benhur Abalos Jr. upang talakayin ang maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa pagpasok ng susunod na administrasyon.

Kumpiyansa si Año na mapamumunuan ng maayos ni Abalos ang DILG bilang dating MMDA Chairman at batikan sa larangan ng Local Government service.


Naniniwala rin ang kalihim na ipagpapatuloy ni Abalos ang mga nasimulang kampaniya ng pamahalaan sa iligal na droga, katiwalian, at terrorismo.

Facebook Comments