PAGSASAMAHIN | Basketball Without Borders ng NBA at FIBA, muling gagawin sa India

India – Nakatakdang bumalik sa bansang India ang Basketball Without Borders sa May 30 hanggang June 2.

Sa anunsyo ng NBA at FIBA, magaganap ang Basketball Without Borders Asia 2018 simula sa NBA Academy India.

Layunin nito na pagsama-samahin ang mga kabataang manlalaro ng basketball sa India, edad 17 pababa upang maturuan ng mga NBA at FIBA players at coaches.


Taong 2008 pa nang huling pumunta sa India ang naturang programa.

Bukod sa Basketball Without Borders ay magaganap rin sa NBA Academy India ang NBA Academies Women’s Program simula May 27 hanggang 29 na pangungunahan nina dating WNBA Stars Jennifer Azzi at Ruth Riley.

Facebook Comments