PAGSASAMAHIN | Kamara at economic official ni PRRD, nagkasundo sa hybrid budgeting system

Manila, Philippines – Target ng Kamara na maipasa sa ikatlong pagbasa ang panukalang 2019 national budget sa loob ng 45 araw.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr., pumayag na si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na magkaroon ng ‘hybrid’ budgeting system.

Sa ilalim ng ‘hybrid’ budgeting, pagsasamahin ang tradisyunal na obligation-based system at ang isinusulong ng DBM na bagong cash-based system.


Umaasa si Andaya na maipasa ang pambansang pondo sa October 12.

Facebook Comments