Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasamantala ng mga kriminal sa ilalim ng “new normal” situation.
Ayon kay PNP Deputy Chief of Operations, Lieutenant General Guillermo Eleazar, bumubuo na sila ng peace and order measures para sa “new normal” kabilang na ang mandatory na pagsusuot ng face masks.
Maaaring gamitin ng mga kriminal ang pagsusuot ng face mask para makapagsagawa ng masamang balakin.
Magiging hamon ito para sa pulisya dahil gagamitin ng mga kriminal ang face mask para maitago ang kanilang pagkakakilanlan.
Pero binanggit din ni Eleazar na bumaba ng 61% ang krimen sa bansa mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Partikular na bumaba ang mga insidente ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, carjacking, carnapping at rape.