Pagsasampa ng demanda sa nagpakalat ng deepfake video ni PBBM, ikinokonsidera ng Malacañang

Ikinokonsidera ng Malacañang ang pagsasampa ng demanda laban sa nasa likod ng ipinakalat na deep fake video ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary Patricia Kayle Martin, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Security Council para matukoy ang nasa likod ng video.

Ang naturang video kasi ay naging cause for concern na dahil posible itong magdulot ng gulo matapos ipalabas na tila nagbabadya ng pakikipag-giyera ang pangulo sa isang bansa.


Ayon pa kay Martin, ang usapin ay maaaring magkaapekto at makapaglagay sa alanganin ng foreign relations ng Pilipinas gayundin sa aspeto ng national security.

Desidido aniya ang pamahalaan na gumawa ng kaukulang ligal na hakbang na laban dito.

Facebook Comments