Manila, Philippines – Sa gitna ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahaharap sa pag-aresto ang magsasampa sa kaniya ng impeachment complaint.
Nilinaw naman ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi krimen ang magsampa ng naturang reklamo.
Sa isang pahayag, sinabi ni CHR Apokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na ginagarantiyahan ng 1987 Constitution ang impeachment bilang isang pamamaraan para tanggalin sa kapangyarihan ang isang government official na nakagawa ng impeachable offenses.
Ani de Guia, wala aniya maaring maaresto dahil lamang sa paggiit ng naturang constitutional right.
Nagbabala rin ang CHR sa Philippine National Police (PNP) na maghinay -hinay sa kanilang aksyon.
Idinagdag ni de Guia na ang mandato ng PNP ay nagmumula sa taumbayan at marapat na sundin lamang ang utos na naayon sa batas.
Nauna nang tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde na nakahanda nilang sundin ang kautusan ni Pangulong Duterte lalo na kung makita nila na mayroong paglabag sa batas.
Ang banta ng impeachment ay nag-ugat sa polisiya ni Duterte sa pangingisda ng mga Chino sa South China Sea at sa tinatagurian na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.