Manila, Philippines – Posibleng ituloy pa rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo kahit mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na itigil na ito.
Ayon kay Alvarez, iginagalang naman niya ang opinyon ni Pangulong Duterte pero sa ilalim ng konstitusyon ay mayroong ekslusibong hurisdiksyon ang Kamara para sa pagproseso ng impeachment complaints.
Gayunman aniya, kailangan pa rin ng masusing pag-aaral para rito.
Paliwanag pa ni Alvarez, hindi lang naman kasi tungkol sa numero ang usapin kundi kailangan na may matibay na basehan ang complaint laban kay Robredo para matiyak ang paggulong ng proseso nito.
Samantala, umaasa naman si Robredo na hindi mahahadlangan ng “hatred” o galit ang mga bagay-bagay.
Lumalabas kasi aniya na galit na lang ang umiiral sa puso ng mga tao sa ngayon.