Pagsasampa ng kaso kay Erwin Tulfo, pinag-aaralan na rin ng kampo ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na rin ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV ang pagsasampa ng kaso labay kay Erwin Tulfo at ang may-ari ng Davao Breaking News website na si Ben Tersiona.

Ito ay kaugnay pa rin sa akusasyon nila Tulfo na di umano’y mayroong mga bank accounts si Trillanes sa ibang bansa na naglalaman ng malalaking halaga ng pera.

Ayon kay Trillanes, maaari na ring mag-countdown si Tulfo dahil sila na ang susunod na sasampahan niya ng kaso dahil sa pagpapakalat ng pekeng balita.


Matatandaang kaninang umaga, nagtungo sa Office of the Ombudsman si Senator Trillanes para magsampa ng 1 administrative case at 6 na criminal case laban kay PCOO Asec. Mocha Uson.

Facebook Comments