Pagsasampa ng kaso kay Pharmally Director Ong imbes na ikulong, inihamon ni Atty. Topacio sa senado

Hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio ang mga senador na kasuhan na lamang si Linconn Ong, Director ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kaysa patuloy na ikulong sa detention cell ng senado.

Si Topacio ang tumatayong abogado ni Ong nang ikulong ng Senado matapos i-cite in contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon.

Ayon kay Topacio, dapat bigyan ng pagkakataon ng mga senador si Ong na maipaliwanag ang kanyang sarili sa proper forum.


Habang giit pa ng senado, handa nilang harapin kung anuman ang kasong isasampa laban kay Ong subalit kailangan lamang na magkaroon ng due process.

Muli namang tinawag ni Topacio ang ginagawa ng senate blue ribbon hearing bilang ‘kangaroo forum’.

Facebook Comments