Pagsasampa ng kaso ng Ombudsman laban kay dating Pangulo Noynoy Aquino, nirerepesto ng Palasyo

Manila, Philippines – Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng Ombudsman na kasuhan si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa umano’y kaugnayan nito sa nabulilyasong operasyon sa Mamasapano noong 2015.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ginagalang nila ang mandato ng Ombudsman na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan.

Sabi pa ni Abella, kinikilala din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaka-bayani ng 44 na nasawing Special Action Force (SAF) commandos sa naturang operasyon.


Dahil dito, kaisa aniya ang pangulo sa mga humihiling na mabigyang hustisya ang mga biktima at pamilya ng fallen 44.

Magbibigay din ito ng closure sa pangyayari, na isa din bahagi ng healing process na pinagdaraanan ng mga kaanak ng mga nasawing SAF.

Pero para kay Atty. Mel Sta Maria, Dean ng FEU Institute of Law, kailangan matibay ang ebidensiya laban sa dating pangulo para matibay ang asunto laban sa kaniya.

Aniya, hindi na ito bago sa kultura ng mga Pilipino dahil lahat naman ng mga presidenteng natapos ang termino ay may kinakaharap na kaso.

Facebook Comments