Pagsasampa ng kaso sa ilang power plants at suppliers dahil sa rotational brownouts, kasado na; NGCP, walang pananagutan sa nangyari

Buo na ang desisyon ng Department of Energy (DOE) na sampahan ng kaso ang ilang power plants at suppliers na nagsagawa pa rin ng preventive maintenance ngayong tag-init kahit ipinagbabawal ng ahensya.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, kabilang sa mga pananagutin ang mga power players gaya ng generator at system operators.

Maituturing naman na paglabag sa polisiya ng DOE ang nangyari at pinag-aaralan na rin kung ito ay isang krimen tantamout to economic sabotage.


Kasabay nito, nilinaw naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi na nila tungkulin ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga power generation plan.

Giit kasi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, hindi na nila responsibilidad ang kapabayaan at pagkasira ng maintenance dahil trabaho na ito ng DOE at Energy Regulatory Commission (ERC).

Ang NGCP ay isang pribadong korporasyon na nagbabantay sa power transmission ng bansa kung saan itinaas nito ang Luzon sa Yellow at Red Alert status dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente bunsod ng mataas na demand nito.

Dahil dito nagkakaroon ng rotational brownouts sa maraming lugar sa Luzon.

Facebook Comments